North Avenue Station ako sumakay.
Nakahawak ako sa hand rail ng MRT. Wala na kasing maupuan kanina pa pagkasakay ko sa may Trinoma. Free ride na lang din ang laman ng prepaid card ko.
Quezon Ave Station… wika ng boses ng babae na biglang pinutol ang MRT radio.
Tumayo ang ale sa tapat ko at bumaba sa Quezon Ave station. Nakaupo rin… wala nang isip isip… kinuha ko na. Konti lang naman ang nakatayo eh. Hinga ako ng malalim… taft pa ang baba ko. Punta sana ako ng Mall of Asia para magliwaliw. Ang layo ano? Trip trip lang. Sawa na ako sa arcade SM North… sira sira na ang naghihingalong Percussion Freaks 5 nila. Maka pag DMV sa onting tao.
GMA-Kamuning Station… parang ang bagal ng daloy ng MRT ngaun. Siguro dahil medyo makulimlim ang langit. Nagbabadya ng ulan. Tumayo ang katabi kong lalaki kaya umurong ako doon sa dulo. Biglang may dumaan sa may pinto.
victoria’s Secret ang amoy na yun ah… ung parang prutas na pagkabango bango… napalingon ako kasi paborito kong amoy un eh. White T-Shirt and Jeans ang suot nya. Maliit ang handbag. Ito ang mga una kong nakita.

